~(VIEN YSABELLE ESQUIVEL POV) Naunang bumaba si Xander sa sasakyan. Hinigit nito ang kamay ko papasok sa loob ng mansion. Hanggang ngayon ay nagsisikip pa rin ang dibdib ko sa lahat ng nangyari at gusto ko pa ring mainis dahil sa sinabi nito kay Mr. Perez. Dahil sa kanya, Mr. Perez really did fire me and I just lost my job. Pinili kong makawala rito bago pa kami makaakyat ng hagdan. Nabitiwan nito ang kamay ko. "What is wrong with you?" tanong ko rito na may inis pa rin sa tinig. I just could not hide what I was feeling. Bumaling ito sa akin na walang emosyon. Hindi ko mapigilang lalong mainis rito. It was a big deal to me. Hindi basta-basta sa akin ang trabahong iyon because I have to live. I have to earn to live. I wasn't like him na kahit walang gawin, kahit na magsugal lang sa m