Dahil hindi tumigil sa pag-iyak si Sophia ay wala ng nagawa pa si Francis. Kinailangan niyang tawagan si Zoey upang pabalikin ito. "Lou, you need to go back home. Sophia is awake. Umiiyak at hinahanap ka niya," wika ni Francis nang marinig na sinagot na ni Zoey ang tawag niya. Bigla namang natigilan si Zoey. It was her first time hearing from Francis calling her Lou. Bukod kasi sa namayapa niyang ina. Sina Michael at Mariel na lang ang tumatawag sa kaniya ng gano'n. "Lou, do you hear me?" tanong ni Francis ng walang marinig na sagot mula sa kabilang linya. "Oo, narinig kita. Malapit na ako sa apartment ko. Ihahatid ko lang ang gamit ko tapos babalik na ako riyan," malamig na tugon ni Zoey. "Thank you, ingat ka," wika ni Francis sa mababang tono ng boses. Hindi na sumagot pa si Zoey