Kumunot naman ang noo ni Francis nang marinig ang sinabi na Zoey. 'Sa gwapo kong ito hindi niya ako nagustuhan?' Tiningnan na lang niya ito at humakbang papunta sa living room habang karga si Sophia. Napairap naman si Zoey. 'Ang yabang! Akala naman niya kagaya ako sa ibang babae na magugustuhan siya.' Pagkaupo ni Francis ay tumayo na si Lucas at nagpaalam, "Bro, may mahalagang gagawin pa ako sa opisina. Aalis na muna ako." "Ihahatid na kita sa labas," wika ni Francis saka tumayo na rin at sumunod kay Lucas palabas. "Mom!" sigaw ni Sophia ng papalayo na silang mag-ama. Pilit siya nagpupumiglas sa mga bisig ng ama para bumaba. Tila natatakot na mawala sa paningin niya si Zoey. "Sophia, stop. Babalik tayo kay mommy," anang Francis. Kahit sumisigaw si Sophia ay hindi sumunod si Zoey. T