Pagkatapos i-off ang cellphone, naupo si Zoey sa isang upuan sa labas ng operating room. Masyado siya nag-alala para sa kaibigan at the same time naaawa rin siya kay Sophia na hindi niya magawang puntahan. Naupo sa tabi ni Zoey si Michael na nag-aalala rin para kay Mariel. He reached out to hold her hands and comforted her in silenced. Pareho silang tahimik habang hinihintay na lumabas ang doctor na nag-opera kay Mariel. Malala ang pagkahulog ng kaibigan kaya kailangan itong maopehan agad. Maya-maya pa nagsalita si Zoey, "Michael, hindi naman malala ang nangyari kay Mariel, hindi ba?" "Huwag ka na mag-alala, magaling ang doctor na nag-opera sa kanya. Magiging maayos din ang lahat," anito. Napabuntong hininga na lang si Zoey at sinabi, "sana nga." "Hinanap ka ba ni Francis? Hindi b