Mabilis lumipas ang oras. Pagkagaling sa hospital ay agad na silang pumunta sa market kung saan siya nagtitinda. Pagdating ni Zoey sa puwesto ay agad niya inihanda ang mga paninda niya. Agad niya inayos ang cart na paglalagyan ng mga panindang spicy skewers. Hindi naman gaano kalakihan ang nirerentahan nilang puwesto pero may mini office sila ni Mariel na puwede pahingahan. Doon niya pinapasok si Yaya Sally at isa pa pang yaya para doon bantayan si Sophia habang nagtitinda siya. Salamin naman iyon at matatanaw naman siya ni Sophia. Habang abala si Zoey sa pagtitinda ay biglang tumunog ang cellphone niya. Napakunot noo siya kung sino ang tumatawag. Agad niya dinukot ang cellphone sa bulsa ng kaniyang pantalon. Lalong nagsalubong ang kilay niya nang makita kung sino ang caller. "Mr. Al