"Zoey..." sambit ni Roger. "Honey, bakit mo naman hinahanap ang walang kuwenta mong anak?" inis na sabi ni Monaliza. "G–gusto ko siya m–makita," ani nito. "Alam mo, hindi ka na dadalawin ng anak mo. Alam mo naman galit sa iyo iyon tapos hahanapin mo pa!" pagalit na saad ni Liza. "A–ako naman ang may dahilan bakit siya galit sa akin. G–gusto ko lang siya makita, Honey. Please?" nakikiusap na ani ni Roger. "Paano mo naman siya makakausap hindi ko nga alam nasaan ang maldita mong anak. Hindi ba ayaw ninyo sabihin sa akin ni Michael kung nasaan siya?" galit pa rin ang tono ng boses na sabi ni Liza. "S–sabihin mo kay Michael. A–ako na lang ang kakausap ka sa kanya," mahina ang boses na sabi ni Roger. Dahil sa inis ay hindi na ito sinagot pa ni Liza. Naiinis siya dahil si Zoey lang ang ma