"What?! Kasabwat ni Amanda si mom?" "Tama ang narinig mo, Michael. At pasensya ka na kong pinaalis ko siya sa pamamahay ko. Ikaw na ang bahala sa mommy mo. Patawarin mo sana ako." Saad ni Roger ng magkausap sila ni Michael pagdating niya sa opisina. Napabuntong hininga si Michael. Hindi naman niya masisisi ang stepfather niya dahil kahit siya ay saksi sa mga hindi magandang nagawa ng ina niya. Oo, ina niya si Liza pero hindi naman siya pabor sa mga ginagawa nito. However, Monaliza is still his mother kaya kailangan pa rin niyang kupkopin ito. Nalulungkot talaga siya para sa ina. "Naintindihan naman kita, Uncle. Ako na ho ang bahala sa kanya. Kahit ina ko siya ay hindi naman ako pabor sa ginawa niya." Bakas sa boses ni Michael ang lungkot dahil sa ina. "Sana kahit nagkaganito man kami