"May gusto ka bang kainin?" tanong ni Francis nang makita na natahimik bigla si Zoey. "Wala, gusto ko lang matulog," sagot niya na hindi tumitingin kay Francis. Hindi kasi niya magawang salubungin ang nakakatunaw na tingin nito. "Fruits ayaw mo? Kailangan mo kumain para bumalik na ang lakas mo. Para mapadali ang paggaling mo," pilit nito. "Don't worry, gagaling ako agad. Gusto pa kasi kitang ipagluto ng pagkain na maraming toyo at suka," biro ni Zoey na pilit pinipigilan ang matawa. Naalala kasi niya ang kinuwento sa kanya ni Yaya Sally. Sinadya rin niya sabihin iyon upang subukan si Francis. "May gana ka pa talaga magbiro ng ganiyan. Siguro naalala mo 'yung boyfriend o baka fiancé mo, noh?" salubong ang kilay na sabi ni Francis. "Boyfriend? Ilang beses ko bang sabihin na hindi ko boy