Saktong alas otso ay nagising na si Sophia. Pagkagising ay mom agad ang bukambibig niya. "Good morning, little angel," nakangiting bungad ni Zoey. "Mom," tawag ni Sophia sabay bangon at yumakap kay Zoey. "Where's my good morning kiss?" anang Zoey na tinuro ang pisngi para halikan. Mabilis naman sa alas kuwatro na humalik si Sophia sa pisngi ni Zoey. Pagkatapos humalik ay kinarga na niya ito at lumabas na ng kuwarto. Dinala niya ito sa kitchen para pakainin ng niluto niyang chicken soup. Pagkatapos pakainin ay umakyat silang muli para paliguan si Sophia. Maaga niya itong papaliguan para makapaglaro silang muli. "Mom," tawag sa kaniya ni Sophia ng kumuha siya ng damit. Akala nito ay iiwan na naman siya ni Zoey. "Stay there, Baby. Kukuha lang ng damit si Mommy," anang Zoey. Kumuha lan