Kinaumagahan, maagang nagising si Zoey. Tila kay gaan ng pakiramdam niya ng nga oras na iyon. Inunat niya bahagya ang kamay dahil medyo nangangalay iyon. Pagkatapos ay napatingin siya sa kanyang cell phone na nakapatong sa ibabaw ng bedside table. Inabot niya ito. Naisipan niyang tawagan ang kaibigang si Mariel upang ikuwento rito ang lahat ng mga nangyari sa kanya last few days. Binuksan niya ang cell phone at nag-dial. Nakaanim na ring bago ito nasagot ni Mariel. "Bes? Buti napatawag ka. Kumusta ka na? Nakalabas ka na ba ng hospital?" "Isa-isa lang naman ang tanong, hehe. Oo nakalabas na ako at medyo okay na rin. Siya nga pala bes may sasabihin ako sa iyo," aniya. "Ano'ng chika mo, ha? May boyfriend ka na?" tanong ni Mariel na napapahalakhak pa. "I'm getting married!" "WHAT!? Oh,