"Babe, we're here," gising ni Francis kay Zoey. Pareho kasing nakatulog si Sophia at Zoey habang nasa byahe sila pauwi. "Ha? Dito na pala tayo? I'm sorry, Babe nakatulog ako." Tila naalimpungatang hinging pasensya ni Zoey. "It's okay, alam ko naman napagod ka kay Sophia kanina," anito saka kinuha si Sophia sa kanya sabay inalalayan siyang bumaba ng sasakyan. Magkahawak kamay silang pumasok sa loob ng villa ng madatnan nila si Jeffrey sa living room. "O, kuya, kanina ka pa ba?" tanong ni Francis. "Kakapasok ko lang naman. Kumusta ang beach? Mukha nag-enjoy si Sophia ng husto, ah," ani Jeffrey. "Well, hindi lang nag-enjoy. Sobrang nag-enjoy. Anyway, may sadya ka ba, kuya?" "Oo may ipapabasa lang akong mga document sa iyo," sagot nito sabay abot ng isang brown envelope. "Okay, I'll c