"Ano ba! Bitiwan mo nga ako, Frank." Pumiglas ni Amanda nang bigla na lang may sumunggab sa kanya. Kalalabas lang niya ng sasakyan para pumasok sa isang rest house na sabi sa kanya ni Frank ng may bigla na lang may humawak sa kamay. Paglingon niya ay nanlaki ang mata niya sa gulat dahil mukha ni Lucas ang nakita niya. May kasama itong naka unipormeng lalaki na wari niya ay isang police. "Wala ka nang kawala ngayon! Puputulin ko na ang kabaliwan mo! Mabubulok ka sa kulungan kasama ang mga tuta mo!" "Ano ang ibig sabihin nito? Paanong–" "Ma'am, may warrant of arrest ka sa salang attempted murder kay Zoey Lou Garcia." Sabi ng police sabay lagay ng posas sa kamay ni Amanda. "Nagulat ka ba, Amanda? Nahuli na ang dalawa taong inutusan mo kaya huwag ka ng mag maang-maangan pa! Ikaw ang uta