3:30 pm, ready na ang mga dadalhin ni Zoey. Naayos na rin ni Yaya Sally ang mga kailangan dalhin para kay Sophia. Maya-maya pa ay tumunog ang cellphone ni Zoey. Number lang iyon kaya napakunot noo siya. Sino na naman kaya ito? Ayaw sana niyang sagutin pero naisip niya na baka si Francis ang tumatawag. "Hello?" wika niya pagkatapos pinduton ang answer button at inilapit ang cellphone sa tainga. "Zoey, it's me, Jeff. Hintayin niyo ako, ha? Pabalik na ako, galing kasi ako sa villa ng mga magulang ko," anang Jeffrey. "Jeff, hindi ba kami nakakaabala sa iyo?" tanong ni Zoey. "No! Hindi naman ako busy kasi next week pa ako babalik sa opisina. So susulitin ko ang araw na hindi ako busy," anito. Sigurado kasi siyang magiging abala siya kapag nakabalik na siya sa trabaho. Marami siyang dapat