Mabilis na ngang lumipas ang mga araw, habang palapit ng palapit ang araw ng kasal nila Riley at Drake tumataas naman ang tension at stress level ni Ricky. Nakatutok ito sa bawat detalye ng kasal, ayaw nitong mastress ang kapatid dahil buntis ito at muntik nang makunan. Today is the day na isusukat ni Riley ang kanyang wedding gown but of course hindi kasama ang groom dahil bawal makita ng groom ang gown before the wedding. Nasa daan na ang magkapatid para kuhanin at isukat ang wedding gown ni Riley. Pinayagan sila ni Drake na umalis sa bilin nitong alagaan si Riley at wag pagurin. " Ready to see your gown, baby sis?" Excited na tanong ni Ricky sa kapatid. " Very, kuya, di na nga ako nakatulog kagabi sa excitement eh." Excited din na sagot ni Riley, maya maya lang ay nakarati