Pinukaw naman ni Drake ang pansin ni Riley, dahil nakatingin pa rin ito sa side mirror. " Hey, it's okay babe, we'll call them everyday para kumustahin, don't worry too much okay?" Pisil nito sa kamay niya sabay halik. " I can't help but worry Drake, ni minsan di ako nahiwalay sa kanila nang ganito katagal. Pinakamatagal na ang isang linggo but never months." Paliwanag niya kay Drake. " I know baby, but we will get this done quickly para makasama na natin sila ulit okay?" Saad ni Drake na hinahaplos haplos pa ang ulo niya. Dumaan muna sila sa isang fast food restaurant para mag take out. Ilang sandali pa ay papasok na sila sa subdivision kung saan sila maninirahan pansamantala, at mayamaya nga ay tumambad na sa kanila ang isang napakagandang bungalow house. Akmang bababa na