PAUNAWA: "Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po." Sa Piling ni Lucario Season 3 AiTenshi May 2, 2019 Part 52: Ang Pangako ni Ama “Ayos ka lang ba? May masakit ba sa iyo?” ang tanong ni Lucario habang inaalalayan ako sa pag bangon. “Ayos lang ako, masakit lamang ang aking tiyan at lalamunan dulot ng madalas na pag ubo. Pero huwag kang mag alala, mamaya maya lang mawawala na rin ito,” tugon ko habang naka kapit sa kanya. Agad rin lumapit sa amin si Mister Alponso at muling binigyang lunas ang aking nararamdamang