PAUNAWA: "Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po." Sa Piling ni Lucario Season 2 AiTenshi Part 32: Mahalagang Pangako Matapos ang pag pupulong nina Lucario at ng kanyang heneral, nag pasya na silang mag handa para sa gagawing pag lalakbay sa malayong bayan kung saan naroon si Sato. Ang layunin nila ay bawiin ang kwintas ng Diyos na maaaring gamitin kay Lucario anumang oras. "Isang babaylan si Sato, makapangyarihan ito dahil na rin sa basbas ng mga Diyos sa kanya. Iyon ang nakuha niya bilang pabuya noong isuplong n