Sa Piling ni Lucario Season3 AiTenshi May 10, 2019 Part 62: Ang Kaharian ni Naama Muling lumusot ang aking katawan sa lagusan at noong maka labas ako dito ay natagpuan ko ang aking sarili sa loob templo kung saan nakita ko si Suyon o ang aking sarili na nakaluhod at nag aalay ng alak sa altar. Ito ang mga sandaling nakakatapos ko lamang isagawa ang sagradong sayaw kung saan gumawa ako ng alak sa harap ng mga turista at pag katapos ay pumasok ako sa loob ng templo para ilagay ang naturang alak sa altar bilang alay sa Diyos. Nangiti ako habang naka luhod ang aking sarili kaya naman tinawag ko siya. “Suyon” ang wika ko at dito bigla na lamang itong tumayo at nag tatakbo palabas. Mukhang natakot ang loko, kung sa bagay tama lang rin na hindi siya humarap sa akin dahil tiyak na magug