Sa Piling ni Lucario AiTenshi April 6, 2019 "Kahit naka tali ako sa iyo ay wala naman tayong pag mamahal sa isa't isa. Hindi tayo mag kasintahan at wala tayong pinang hahawakang relasyon. Para lang tayong dalawang taong pilit pinapawi ang lungkot sa ating mga sarili." tugon ko sabay alis sa kanyang harapan. Ngunit hinawakan niya ang aking braso ng mahigpit habang naka tigtig siya sa aking mga mata. "Pagod ako Lucario, gusto ko munang mag pahinga." sagot ko. Binitiwan niya ako at hinayaang pumasok sa loob. Habang siya naman ay nanatiling naka tanaw sa malayo. Hindi ko alam kung anong iniisip niya noong mga sandaling iyon. Marahil ay mag kaiba kami ng pananaw tungkol sa pag mamahal. Kung ano man iyon sanay ay mag tagpo kami sa gitna dahil habang tumatagal ay naguguluhan ako sa estado