Sa Piling ni Lucario Season 3 AiTenshi April 26, 2019 Sa ganitong paraan ay gumagaan ng aking pakiramdam. At habang nasa ganoong posisyon ay may naramdaman akong malamig na bagay na pumatak sa aking ulo. Gayon rin sa aking braso kaya naman agad akong tumayo upang tingnan ito. Laking gulat ko noong makitang nag liliwanag ang balon dahilan para mas lalo akong masilaw. Sumabog ang liwanag sa buong templo at kasabay nito ang pag bagsak ng isang katawan sa aking harapan. “Arekup!” ang reklamo nito noong tumama ang kanyang likuran sa lupa. Napatingin ako sa kanya at sa sobrang pag kabigla ay nasipa ko ito. “Anong ginagawa mo dito?!” Napatingin siya sa akin at napangiti. “Lucario? Bakit nandito ka?” ang tanong ko na hindi halos makapaniwala. Part 47: Si Lucario sa Mortal na Mundo "