Sa Piling ni Lucario Season 3 AiTenshi April 22, 2019 Isang malalim na buntong hininga ang aking pinakawalan habang naka upo sa lumang pasilyo ng templo. Maigi kong pinag mamasdan ang mala kristal na butil ng patak ng ulan na bumabagsak mula sa kalangitan. Marahan kong ini-angat ang aking kanang kamay at sinahod ito sa aking palad. Malamig.. Ngunit iba pa rin ang piraso ng niyebe na nakasanayan kong bumabagsak sa aking mga kamay. Ang bawat puting butil noon ay nag papa alala sa akin ng masasayang araw na pinag daanan ko sa mundong iyon, sa isang malayong lupain na nararating ko lamang sa aking panaginip. Ang lupain ng saya, kalungkutan at pag kabigo. Lahat ng iyon ay pilit ko iwinawaksi sa aking isipan, bagamat paulit ulit pa rin itong nag babalik na parang isang sumpa na kay hir