Sa Piling ni Lucario Season 2 AiTenshi Yumakap sa akin si Lucario at inilingkis ang kamay sa aking tiyan. “Iyon rin ang iniisip ko. Pero huwag kang mag alala dahil maayos rin ang lahat. Ang nais ko ay pag katiwalaan mo ako.” ang wika niya sabay lilis sa aking damit hanggang dibdib. Pumatong siya sa akin at idinikit ang kanyang labi sa aking selyo. Nag liwanag ang paligid nito at nakaramdam ako ng kakaibang init na hindi ko maipaliwanag. “Anong ginawa mo?” ang tanong ko “Binuksan ko ang selyo sa iyong dibdib. Para kung anuman ang mangyari sa akin ay maaari kang makatakas. Isasalba ka nito sa anumang pag kakataon.” ang wika niya. “Hindi ko maunawaan ang nais mong ipabatid Lucario. Tinatakot mo ako sa iyong mga sinasabi.” Lalong humipigpit ang pag yakap niya sa akin. “Wala iyon, mag