Sa Piling ni Lucario Season 3 AiTenshi Hindi naputol ito dahil sa kalasag sa kanyang katawan ngunit nagilitan siya. Lumayo siya sa akin at tumawa na parang isang baliw. "Kung inaakala mong nasa kwintas ang susi ng sagradong haligi kung saan naka kulong si Lucario ay nag kakamali ka. Dahil ang susi ay walang iba kundi AKO at ang orasyon na mag aalis ng mga sagradong selyo ay ako lamang ang nakaka alam. At ngayon ay sisiguraduhin kong hindi na kayo mag kakasama pa ni Lucario dahil habang panahon na siyang makukulong doon!" ang wika niya habang tumatawa. "Kung mawawala ako ay wala na ring tiyansa para siya ay makalaya! Mabubuhay ka sa pag sisisi Suyon, mamatay kang mag isa!" ang wika niya sabay damot sa piraso ng kanyang espada at itinarak ito sa kanyang bibig, tumagos ang patalim sa ka