Sa Piling ni Lucario AiTenshi April 4, 2019 Agad na binuhat ni Lucario ang aking lantang gulay na katawan at mabilis na pinasok sa loob ng isang lihim na silid sa palasyo. Sinindihan ni Mister Alponso ang mga sulu sa bawat sulok nito at iniratay ako sa isang higaan na gawa sa bato. Bago ko tuluyang pikit ang aking mata ay nakita kong nakatayo sa aking harapan si Lucario, hubo't hubad at walang saplot. Inalis niya ang aking saplot at wala rin itinira. Tumabi siya sa aking at hinawakan ang aking kamay.. At iyon na ang huli kong naalala.. Part 20: Ang Sagradong Batas Tumama ang maliwanag na sinag ng araw sa aking mukha at ramdam na ramdam ko ang malamig na hanging dumadampi sa aking balat na nag mumula sa labas ng bintana. Dito ay marahan kong iminulat ang aking mga mata. Bumungad s