Sa Piling ni Lucario Season 2 AiTenshi “Iyan ang gusto ko! Lapit!” ang wika ni Lucario sabay baba sa kabayo. Ganoon rin ang ginawa ni Heneral Juda at mga kawal. Mula sa iba’t ibang direksyon, mayroon sa kanan, sa kaliwa at maging sa aming itaas ay sumugod ang mga halimaw palapit sa amin. Lahat kami nag handa sa kanilang pag atake. “Balutin ng kalasag na liwanag ang iyong mga katawan, ang kagat ng mga halimaw ay maaaring lason, maisasalin ito sa inyong mga katawan kapag kayo ay nasugatan nila. Umpisahan na ang laban!!” ang sigaw ni Lucario at nag liwanag ang kanyang mga kamay. Part 39: Ang Basbas ng Diyos Wari’y mababangis na hayop ang mga kalaban na sumugod sa aming kinalalagyan, kami naman ay nag handa, mahigpit ang aking hawak sa espada at ang aking mata ay alerto sa b