"Perfect!" Masayang sabi ng Baklang Nag-makeup sa akin. Bilib na bilib siya habang pinagmamasdan ang pagkakaayos niya sa akin. Hindi ko magawang umiyak dahil nakatutok sa akin ang Baril. Sino ba namang Babaing maiiyak kapag sinabing mag-poker face habang tatlong baril ang nakatutok sa iyo habang inaayusan ka. Baka nga maihi ka pa sa takot kapag gano'n. Habang hindi sila magkanda-ugaga sa pag-aayos ng suot kong gown, makeup ko at buhok ko. Hindi ko na alam kung anong oras ako nagising kanina. Wala akong pakialam. Ilang beses kong dinasal kagabi na sana hindi na ako magising, pero wala. Kailangan ko talagang pagdaanan ang impyernong kasalang ito. Magpapakasal ako sa taong hindi ko pa nakikita O baka nga hindi pa tao ang pakakasalan ko baka demonyo. Sana magkaroon ng himala. Sana bumukas a
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


