Ilang minuto na akong nakaharap sa salamin. Suot ang kulay Red Dress na talagang pinasadya pa ni Mama na ipabili kay Ate Madilyn sa ibang Bansa. Ngayon ko kasi makilala ang Family ni Luke. Ang sabi kasi niya sakin, gusto daw akong makilala ng magulang niya. Matagal na niyang inu-ungot sakin yon mula pa noong nasa probinsya kami. Kaya naman para hindi na niya ako kulitin nang kulitin. Pumayag na akong ipakilala sa Family niya. "Mhady, hindi ka pa ba lalabas? Kanina pa nasa labas si Luke." Ani Mama. Si Mama ang kauna-unahang naging masaya noong maging Boyfriend ko si Luke. Hindi ko alam kung anong pinakain niya sa pamilya ko at botong-boto sila sa lalaking yon. Huminga ako ng malalim. "Mama, kinakabahan po ako." Lumapit siya sakin at sinuklay niya ang buhok ko. Habang nakatingin kaming da

