17 Ninenerbyos pa si Emerald nang sumampa siya sa eroplano. First time sa buong buhay niya na lilipad siya at kahit takot ay ganoon siya ka excited. Puno naman sila sa pangaral ng kanilang intern professor at hindi naman siya tanga para di maisaisip ang lahat ng pinag-aralan niya simula first year college. Nagtaka pa nga siya kung bakit wala siyang nakitang anino ni President sa umagang yun bago siya umalis ng bahay. Napano kaya ang playboy na yun? Akala pa naman niya ay igu good luck siya no'n bago siya sumabak sa tunay na training pero hindi. Bahala sya sa buhay niya nga! Inis na isip niya. Hindi siya pwedeng mawala sa concentration. Focus dapat para mataas ang markang makuha niya para kung sakaling mag a-apply na siya ng trabaho makuha siya dahil hindi na niya gusto pang iasa an