30 Napanganga si Emerald nang pumasok sila sa building na iyon ng Bachelors. Puros naglalakihang litrato iyon ng mga ngagugwapuhang lalaki at naggagandahang babae na nagsilbing gallery. Parang gusto niyang mainsecure sa kagandahan ng mga naroon. "Libot tayo, babe. Ang daming photos." tila excited na sabi niya kay Heaven sabay hawak sa kamay nito para hilahin na libutin ang lugar pero siya ang hinila nito. "Not so fast baby. You owe me a kiss." pagkatapos ay walang babalang hinalikan siya nito. She held his face and responded in the same passion and heat until they were interrupted by flashes of lights. Kaagad niyang tinapos ang halik na iyon at tumigin sa gawi kung saan my biglang lumiwanag kanina. Kinunan sila ng litrato. Isang babae ang nakatayo roon at nakangiti sa kanila. "Hell