47 "Saan ka pupunta?" Muntik pang mapatalon si Emerald nang marinig ang boses na iyon ni Jacob sa kan’yang likuran habang naglalakad siya sa tabing dagat mag-isa. Nasapo niya ang dibdib. Malayu layo na rin ang nalalakad niya pero pakiramdam niya safe na safe siya. Tahimik ang paligid. Kabilang banda kasi ng resort ay naroon ang ingay kaya ibang daan ang tinahak niya para mapayapa. Mas gusto sana niya na kasama si HJ pero wala naman magagawa. Tinatawagan nga niya kanina, walang sumasagot. Malamang kasi sobrang busy. Parang nawala ang takot niya kanina dahil sa ganda ng lugar na iyon. Isa pa wala na rin sa kanya ang pangamba dahil tama si Sasha na nasa isip niya lang ang takot. Lately she realized, na ang tao mamamatay kung talagang mamamatay. Takot man siya o hindi. "Masamang maglaka