20 Daig pa ng daddy ni Heaven ang nakakita ng multo sa katauhan niya nang yumakap siya rito at humalik sa ina niya. Kelan? Ngayon lang. Kadarating lang niya from Brazil. At galit sa kanya ang piloto ng plane dahil di pa man lang daw nga nakakapag landing ang eroplano ay pinababalik na kaagad niya iyon sa São Paulo. Pakialam niya ba! Basta gusto niyang pabalikin wala iyong magagawa. Kahit pa typhoon signal number 3 uuwi sya kapag gusto niya. Napatingin ang mommy niya sa luggage niya na parang kinalkal ng aso. Nagsisiuslian ang mga damit niya roon na kitang kita na basta na lang isinaksak sa loob. Ang isang sapatos niy ay pinagkasya sa tagilirang bulsa at parang laso ang sintas na nakalaylay sa sahig. "A-Ang bilis mo yata anak." sabi ng daddy niya tapos nagkatinginan ang dalawang matan