“I am still trying my best, don’t worry,” aniya noong napansin ang mataman kong pagtingin sa kaniya. “I will still find her. Whatever happens. Dead or alive.” Nahigit ko ang aking hininga sa narinig. Halos mawalan na ng lakas ang aking mga binti at hindi na makahigilap pa ng mga salita. Noon, ramdam ko ang guilt dahil alam kong mali ang pagkakaroon ko ng pisikal na relasyon kay Magus at noong huli ay nahumaling pa pero ngayon… pakiramdam ko na kahit ang simpleng pagtingin ko lang kay Magus, ang simpleng pakikipagpalitan ko lamang sa kaniya ng ngiti at mga salita ay isa na ring napakalaking kasalanan dahil nagdudulot ang mga iyon sa akin ng saya habang si Loren na dapat na nasa puder ko ay naghihirap at posibleng nasa malalang sitwasyon ngayon. Kung inaakala ko pala noon na