Nabigla ako sa narinig at mabilis na itinulak siya palayo sa akin. Alam ko, kahit pa hindi ko nakikita ang aking sarili ngayon ay ramdam ko ang pagbabaga ng aking mata. Labis na galit ang nadarama ko para sa kaniya. “Someone else’s bite?” nagngangalit kong sambit. Nagsalubong ang kilay niya at sinubukan akong hawakan. Bakas ang galit pero halatang pinipigilan. Lumilitaw ang halos pula sa kaniyang mata at nakatiim ang bagang. Pinid na pinid ang kaniyang labi at parang nagpipigil lang. Parang may sumuntok sa dibdib ko noon dahilan ng paghikbi. Lumamlam ang kaniyang mata at sinubukan muli ako na hawakan sa balikat. “It doesn’t matter as long as you’re still mi–“ “Shut it!” asik ko. Hindi ko nais makarinig ng mabulaklak na salita sa kaniya na para bang kasalanan ko talaga gay