It has been a month. Isang buwan at limang araw na ako rito sa lugar na ito at hindi magkakaroon ng pagkakataong makalaya pang muli hangga’t hindi nagpapakita ang taong dapat ay nasa posisyon na ito. Loren. She’s still unable to fulfill her duty as Magus’s wife and I can no longer turn my back like what I want to. Sinubukan kong magmakaawa. Sinubukan kong ipaintindi na hindi iyon ang usapan, na hindi iyon ang aking inaasahan, na kailangan ako ng aking Ina subalit hindi siya nakinig. Hindi niya ako hahayaan na makaalis ng buhay sakali man na ilaglag ko siya. Kapalit pa rin ay ang aking buhay. Bakit nga ba naisip kong tutupad siya sa kaniyang ipinangako? Bakit hindi ko napansin na ang kasulatang nilagdaan ko ay isang kasulatan na kayang-kayang baguhin ng kanilang posisyon? “I am beggi