“Lord Magus will arrive this evening, Lady Loren,” ani Trisha na nagtungo lamang sa aking silid upang ipagbigay-alam iyon. Isang tango ang isinagot ko at saka nagpatuloy sa pagbabasa. Kung noon ay nagagawa ko pa na makipagkuwentuhan, ngayon ay mas focus ako sa pag-alam ng mga bagay na makatutulong sa akin. Nasa loob lamang ako ng aking silid at nagbabasa kundi ay nagsusulat. Oo, nagsusulat. Isang kwaderno ang aking hiningi upang pagsulatan ng aking mga napagdaanan sa loob ng lungsod na ito. Narito rin ang aking mga napag-alaman tungkol sa kanilang uri na nais kong maibahagi kay Inay. Sumapit ang gabi, kumain ng hapunan at muli ay pumili ng maikling babasahin upang palipasin ang gabi. Ganoon lamang ang aking routine. Nais ko na maging kalmado at payapa ang aking gabi upang sa