To answer some questions po tungkol po sa paulit ulit na chapter. Hinahabol ko lang po ang daily update pero edit ko rin po kapag nakaluwag na po ako kasi po kamamatay lang po ng mother ko at nasa pagpapaopera po ang tatay ko kaya naman po hirap po ako sa ngayon magsulat tapos po ay kagagaling po sa Covid. sana po maunawaan niyo. by October po ay edited po ito. “Lady Loren, kailangan niyo na pong gumising at bibisita ngayon ang High Reeves para kayo ay kamustahin,” ani ng boses sa gilid ko habang inaagaw pilit sa akin ang blanket. Lamig na lamig pa ako dahil kung ano ang ikinapal ng mga kasuotan nila sa pang-araw-araw ay siya namang nipis ng pantulog nila. Mas mabuti pa ang mga luma kong damit na kaya kong tagalan na hindi nagkukumot sa gabi. “Lady Loren, should I call Mrs. Teren?” ma