Sa isang lingo at anim na araw ko rito ay napagtuunan ko ng pansin ang pagpipinta. Wala akong kahilig-hilig doon noon at walang kaalam-alam pero dahil naengganyo ako noong painting ng Ethereal sacrifice of love ay nagawa kong pag-aralan kung paano. Noong mga una ay hirap ako sa mga pagguhit at paglapat ng mga kulay sa isang blangkong canvas pero kalaunan ay natutunan ko naman. Kapag may hindi ako makuha ay ang mga painting sa dingding ang tinitignan ko at hahanap ng katulad noon saka pag-iisipan kung paano ko ito magagawa. Sa loob ng mga nakababagot na araw na wala siya, sa mga gabing puro luha at pasakit ang naapuhap ko, nagawa kong magtagal dito sa pamamagitan ng mga painting. Pakiramdam ko ay sadyang kaisa ko na sila. Nagagawa kong maka-relate sa kung ano man ang nais na ipabatid ng