• ZANEA POV •
"Hi Jedan." Sabay click ko sa camera ko pero agad niyang tinakpan ang mukha niya kaya blurd yung kuha ko sa kanya.
Binaba niya yung kamay nito para picturan ulit siya nguti hinawi lang nito ang kamay niya.
"Anong ginawa mo kagabi?" Tanong ko sa kanya.
"Wala!" mabilis na sagot nito sa akin.
"Wala?" tinaasan ko nga ng kilay.
"Baka uminom ka tapos nag drive o baka naman nanigarilyo ka na naman?" sunod-sunod na tanong ko.
Nainis si Jedan sa tanong ni Zanea kaya huminto ito sa paglalakad at hinarap ito.
"Ano bang problema mo! wala kang alam! at wala kang pakialam kung ano ang mga ginawa ko kagabi!" pa sigaw na sabi nito habang madiin ang hawak sa mga kamay niya na idiniin sa pader. Nagulat si Zanea sa nagawa ni Jedan sa kanya, first time niya kasing makita ito na ganto ka galit na galit sa kanya. Kadalasan kasi laging kalmado ito at minsan hindi umiimik.
Napabuga na lang ako sa hangin sa mga sinabi niya sakin.
"Alam mo naman na bawal sa'yo ang manigarilyo." Kabadong sabi ko sa kanya.
"I don't care" mabilis niyang binawi ang mga kamay niya at tsaka na ulit nag lakad. Sinundan ko na lang siya habang nakatingin sa likod niya.
"F*ck!" sabi nito sabay takbo sa bus stop kaya napatakbo din ako.
May nabungo siyang nakamotor kaya inagaw niya ito.
"Pahiram muna," sabi nito sa may-ari. Walang nagawa ito kaya pinaubaya na lang niya, alam naman nito kung saan siya nag-aaral kaya babalikan na lang niya ito sa school niya, sama lang naman kasi sila ng pinapasukan. Sa isip-isip ng may ari ng motor.
"Jedan!" tawag ni Zanea dito. Bago pa makahabol ito at pinatakbo na ni Jedan ang motor ng mabilis.
"Aaaccchhk" daing nito! at biglang na pa kapit sa poste. Ramdam niya kasi na mas bumigat pa lalo ang pakpak niya dahilan kung bakit siya muntik ng bumagsak. Para siyang may pasan na maliit na bata sa likod nito.
"Miss Ok ka lang ba?" Napatingin ako sa isang lalaki na nagsalita sa harap ko. Tinulungan niya akong makatayo.
"Ok lang po salamat." baling ko sa kanya at ngumiti.
Tinignan ni Zanea ang likod niya para makita ang pakpak niya na siya o ang mga angel lang ang nakakakita.
"Wala naman nag bago, Bumigat lang talaga siya. Hays! parang kailan lang napakagaan lang ng pakpak ko." Bulong nito sa sarili.
"Takot ka ba kay Jedan De Vera?" tanong ng lalaking kinuhaan ng motor ni Jedan.
"Hhhmmm, sabihin na nating parang ganon na nga?" alangan na sagot ko.
"Kilala niyo siya?" tanong niya ulit dito, Zanea, smile at them. Sa isip-isip niya kasi ay ito na yung chance niya para makahanap siya nang kaibigan para sa master niya.
"Yeah, Kaibigan namin siya. I'm Ace, and he is Rocco, siya yung mayari ng motor na kinuha ni Jedan." pakilala niya at sa kasama niya.
"I'm Zanea." sabay kuha ko din sa kamay niya at nakipag shake hands.
"Hindi ka dito nag-aaral no?" Sabay tingin niya sa suot ko.
"Hindi." Sagot ko.
"Kaya pala parang bago ka lang dito, di kasi kita madalas makita."
"O nga pala, can you make sure na ibabalik ni Jedan yung motor ko? bago ko siya ireport sa police" sabat ng kasama ni Ace na si Rocco.
"Oo naman! promise" Ngumiti naman ito.
"Hays! kainis ka talaga Jedan!" sabay sabunot pa nito sa buhok niya
"Ano ka ba ibabalik niya 'yon ako bahala." pagpapakalma ni Ace kay Rocco.
"Paano ko sasabihin kay papa? pa pagalitan ako non"
"Gusto mo ba samahan kita magpaliwanag?" pagpapakalma nito sa kaibigan
Na realize ni Zanea, habang pinagmamasdan yung dalawa sa harap niya. Sila yung mga kaibigan ni Jedan, dati bago siya sumali sa g**g. Kinuha niya agad yung Folder niya na nasa bag at naupo sa bus stop. May bigla naman naisip itong plano.
Bago nagkaroon ng mga masasamang kaibigan si Jedan, na silang dahilan kung bakit natutong mag-inom at mag bar, makipag car racing at manigarilyo! Sila ang mga kaibigan niya dati. Patukoy kay Ace at Rocco.
"Susubukan kong ibalik ang pagiging magkaibigan nila. Ibabalik kita sa dating Jedan." Sabi ko sa sarili ko.
"I can do this. I claim it." sabi pa nito. Tumayo na ito at nagunat, pinagaspas niya ulit ang kanyang pakpak buti na lang naigagalaw niya pa ito, pero hindi niya kayang lumipad,
"Siguro kapag naibalik na ni Jedan yung Motor. Baka bumalik na ito sa dati at maging magaan na ulit ang pakpak ko." positive na sabi niya sa sarili niya.
• GWEN POV •
"Rina, dapat maging confident ka! Stand straight wag kang yumuko." Sabi ko sa kanya tsaka inayos ang posture niya. Lagi kasi nakayuko.
Pinagplanuhan ni Gwen at Dave na magkita ang dalawang mga master nila, susubukan nila itong maging magkaibigan muna, at kapag may progress sa dalawa ay tsaka sila pupunta sa second step ng plano nila.
Nang pumasok na sila sa isang reustarant ay tinuro ni Gwen sila dave at kasama niya yung master niya.
"Look." Turo ko kay Rina sa dalawa na nakaupo sa isang table. Tinignan naman niya itong mga ito. Nagpunta na kami agad sa table nila.
"Ang gwapo niya diba?" Bulong ko dito habang naglalakad kami.
"Uhm." Sumangayon naman ito sa'kin kaya napangiti ako.
"Hey." Tap ko sa balikat ni Dave. Tumingin naman sila sa amin, yung master ni Dave ay biglang yumuko, nahihiya ata.
"Hi. Rina pakilala ka." bati ko sa mga ito at sabi ko naman sa master ko.
"Ha? Ayoko!" bulong nito sa akin.
"Ok lang yan ano kaba." Pagpapalakas ko ng loob niya. Napabuga na lang sa hangin ng palihin ito.
"Hi— I'm Rina." Utal na sabi niya. Napangiti si Gwen dahil finally nakipag usap na sa lalaki si Rina.
"Lemuel, say Hi and introduce your self." Sabay pat ni Dave sa balikat ng master niya para hindi masyadong kabahan ito magpakilala sa crush niyang si Rina.
Ang problema lang ay parehas mahiyain ang dalawa kaya ang plano nila ay hanggang sa may mag-initiate ng conversation ang isa sakanila. Ang plano ay kunyare ay iiwan nila itong dalawa pero magtatago lang sila sa 'di kalayuan para sundan sila at masiguro na magiging magkaibigan sila.
"Hi—I'm Lem-uel" Utal na bati ng master ni Dave. Tinignan ko si Rina, kaya lang parang may mali. Hindi pwede. Hindi pwede ito please wag sya. Wag kay Dave Rina.
Nataranta si Gwen nang marealize niya na kay Dave nakatingin ang maters ni niya at hindi kay Lemuel. Humarang si Gwen sa harap ni Rina, para hindi niya makita ang mukha ni Dave.
"Mission Abort!" Bulong ko kay Dave.
"What! why?" Tanong nito.
"I'll explaine later at home" sabi ko dito sabay layo ko kay Rina sa dalawang lalaki para umalis na sa harap nila.
• ZANEA POV •
Nilagay ko na ang folder file ko sa bag ko matapos ko makarating dito. Dito sa bahay ni Jedan. Nag doorbell ako nang makita ko ito, inantay kong may lumabas o kaya naman may magsalita sa doorbell nila, may voice kasi na something don kung saan maririnig mo ang tao sa loob ng bahay o kaya naman pwede kang magsalita dito.
Nag doorbell ulit ako nang walang respond sa unang doorbell ko.
"Mukang wala siya sa bahay nila" napabuga na lang ako sa hangin.
"Ayon yung motor." Nakita ko kasi yung kinuha niyang motor, Gusto ko na sana kunin at ibalik kay Rocco ang saklap lang hindi ako marunong mag drive niyan.
"Jedan!" Tawag ko dito at sabay doorbell ulit, kumatok na din ako sa gate nila para marinig. Tinigil ko ang pag doorbell nang biglang bumukas ang pinto at lumabas si Jedan, pinagmasdan ko ito, ngayon ko lang kasi siya nakita na ganyan, madalas kasi pagnakikita ko siya na ka uniform siya, ngayon kasi na ka pambahay lang siya.
"Hi." Bati ko sa kanya pagkabukas niya ng gate.
"Ikaw na naman?" baling nito sa akin. Nginitian ko ito nang pagka tamis-tamis.
"Kailangan mong ibalik yung motor kala Ace at Rocco, papagalitan daw ng papa niya si Rocco." sabi ko agad dito.
"Stalker ka ba? Bakit pano mo nalaman yung bahay ko?" iritang sabi nito.
"Hinulaan ko lang yung bahay mo, pero alam ko kung saan ka bumababa ng sakay ng bus." Pagsisinungaling ko, Hays! yari ako.
"Nag-uumpisa na kong matakot sayo. Sino ka ba?" sabi pa ulit nito sa akin, isasara na sana niya ulit yung gate ng iharang ko ang paa ko para hindi tuluyan masara.
"Umalis kana!"
"Ibalik mo muna yung motor ni Rocco, Jedan. Kahit bukas muna ibalik" pagmamakaawa ko dito.
"Bakit ba desperada kang ibalik ko to? hindi naman sayo to!" sabi ng master niya sa kanya, na curious ito sa sinabi ni Zanea.
"Basta ibalik mo na lang ha?" Napakapit ito sa gate nang maramdaman niya ulit ang bigat ng pakpak niya, plus kanina pa siya pagod dahil hinanap niya ang bahay ng master niya.
"Ayos ka lang?" Pag-aalala nito
"Parang bigat na bigat ka sa sarili mo! Mabigat ba yang bag mo?" Tanong nito kay Zanea.
"Uhhmm— Oo." Sagot na lang nito sa kanya.
"Please return the motor ha?" sabi ko pa.
"Uhm" sagot nito, sabay sara ng gate.
Nang-isara na ni Jedan, ang gate ay nag simula na siyang maglakad para umuwi.
• 3rd PERSON POV •
Nasa tahanan na nila ang mga angels, masayang nagpapahinga sa sala dahil tapos na ang task nila ngayong araw.
"Ahahahahaha" Tawa ng malakas ni Rovie, habang nakahawak na ito sa kanyang tiyan, halos mamilipit na ito sa kakatawa. Hinampas siya ni Gwen, sa braso niya pero hindi pa din ito na tigil sa kakatawa.
Hindi mapigilan ni Zanea kaya pati siya natawa din, kinukwento kasi ni Gwen kung ano ang nangyari sa task nila kanina para sa mga master nila.
"Akala ko talaga magiging maayos ang plano namin hanggang sa makita ko si Rina na nakatitig kay Dave, kaya mukang si Dave pa ata ang gusto ng master ko." dagdag pa na sabi ni Gwen.
"Dave! Dapat kasi naging pangit ka na lang muna eh." Tawa pa din na sabi ni Rovie dito.
"Pwede ba tumigil ka na! Sakit mo sa tenga." Sabay irap ni Gwen dito.
"Sa susunod na mag arrange kayo ng meeting sa dalawa wag muna isama si Dave, ikaw na lang muna mag bantay sa dalawa." Suhesyon naman ni Daniel, sa mga ito.
"Teka nga! Kayong dalawa? Hindi naman kayo cupid. Angel kayo, paano niyo malalaman na para sila sa isa't-isa? Hindi niyo pwede ipilit ang dalawa kung hindi naman sila nakatadhana. Hindi niyo pwede pwersahin ang mga bagay lalo na pag feelings na nila ang pinag uusapan." sabat naman ni Zanea, sa mga ito. Sa isip nila ay tama ang sinabi nito.
Napangiti nang palihin si Daniel, habang nakatingin ito kay Zanea.
"As expected from Zanea" bulong ng isip nito.
"Wala naman mawawala kung susubukan namin eh." depensa ni Gwen.
"Tama si Zanea. Siguro hayaan na lang natin kung ano ang nakatadhana sa kanila, malay naman natin maging magkaibigan sila tapos magiging mag boyfriend, girlfriend kung hindi naman atleast kahit magkaibigan na lang." Sabi naman ni Dave sa kanila.
"Yeah! Pero siguraduhin mo lang hindi mo ipapakita yang mukha mo kay Rina." Pagsuko ni Gwen sa usapan nila.
• ZANEA POV •
"Hello Ace." Bati ko agad dito nang makita ko siyang palabas ng gate galing school nila.
"Galit pa din ba si Rocco kay Jedan dahil sa pagkuha ng motor niya?" tanong ko sa kanya. Napangiti naman agad si Ace ng makita niya si Zanea.
"Hindi na, di naman nagtatanim nang galit yon, tsaka binalik naman na sa kanya ni Jedan, yung motor niya eh." Sagot nito kay Zanea.
"*Sigh* buti naman kung ganon" sabi ko sa kanya.
"Diba sabi mo kaibigan mo si Jedan? Ano nangyare sa inyo?" Tanong ko sa kanya.
"Ah. Ayon?" Sagot nito na halatang parang ayaw magkwento, nang makita niya ako na parag nag-aantay sa kanya nang sasabihin niya ay bigla itong napakamot sa batok niya tsaka nagsalita ulit.
"Mag kakaibigan kami bago siya na punta sa mga masasamang kaibigan niya ngayon na dahilan kung bakit sya natutong manigarilyo, uminom o ano mang bagay na pinag babawal. " Paliwanag nito. I knew it.. Mag kakaibigan nga sila.
"Don't tell him about this ah!" pahabol pa nito. Tinanguan ko naman siya para ipaalam na hindi ko sasabihin ito.