Wooden House

1064 Words
Napaupo ako sa Kama na parang hinang hina dahil sa kakasigaw, Bumukas ang pintuan ng kuwarto pumasok ulit ang dalawang lalaki, Mukhang disente sila kung ikukumpara sa dalawang tauhan ni madam sona na pumasok kanina, Hindi ko din alam kung tauhan din niya ang dalawang ito, "Mam tara na po" Magalang na sabi nila sa akin, Hindi pa din ako kumilos sa kinauupuan ko, Napausog ako ng pagkakaupo nung lumapit sila sa akin, "Mam wag ka po mag alala hindi ka namin sasaktan" Sabi nila ulit sa akin, Kinabitan ulit nila ako ng piring sa mata at inakay patayo, Pero nagpupumiglas ako, hangang sa hawakan na ako sa dalawang braso nung isang lalaki, "Mam inuulit po namin hindi ka namin sasaktan" Dahil sa sinabi niya hinayaan ko na lang sila na piringan ang mata ko at akayin palabas ng kwarto na iyon, Naramdaman ko na isinakay ulit ako sa sasakyan naramdaman ko na umandar din agad ito pagkasakay ko, Hindi ko alam kung ilang oras ang itinagal nung biyahe, Naramdaman ko na huminto ito at narinig ko ang pagbukas ng pintuan ng sasakyan, "Tanggalin na ninyo yung piring niya sa mata" Narinig ko na boses ng babae, Unti-unti nagliwanag ang paligid ko, Magandang ngiti ang sumalubong sa akin, Mukha siyang teenager naka duster siya na dilaw na bulaklakin, "Tara na po" Sabi niya sa akin sabay hila, Pagkababa ko ng sasakyan nalula ako sa laki ng bahay, Inikot ko ang mata ko lahat ng nakikita ko ay gawa sa makakapal na salamin, Wooden house na may mga glass wall, Namangha ang mata ko sa nakikita ko, inakay ako ng babae na sumalubong sa akin kanina sa sasakyan, Lahat ng nadadaanan ko ay napapatitig ako dahil sa ganda, Umakyat kami sa ikalawang palapag, Binuksan niya ang isang pinto akay pa din niya ako papasuk dito, Kung maganda ang labas na dinaanan namin, Doble ang iginanda ng kuwarto na pinasukan namin, Lahat ng makikita mo sa loob ay Puti at gray lang, lahat ng gamit at mga dekorasyon ay dalawang kulay lang, Mleron din ako nakitang balkonahe na mga naglalakihan na puno ang matatanaw, Pinaupo niya ako sa kama, "Ako nga pala si tessa" Nakangiting pagpapakilala niya sa akin, "Sino ka dito?" Tanong ko kaagad sa kanya' hinila niya ang isang malambot na kulay puting banko na hindi kalayuan sa kama at umupo sa harapan ko. Isang taon na ako pinatira dito ni kuya Rex, "Sinong Rex? siya ba ang may ari nito?" Hindi ko alam kung dinadaya ako ng paningin ko sa nakikita kong pag alinlangan sa itsura niya', "Ahhmm Sa kanya kasi pinagkatiwala itong bahay ni master" Pakamot na sagot niya sa akin, "Sino naman yung Master?" Tanong ko ulit sa kanya, kailangan ko malaman para makapag isip ako ng mabuti, "Si Kuya Rex na lang po ang tanungin ninyo ate" Nakangiti ulit niyang sagot, "Kayo po pala ang asawa ni master tuwang tuwa nga po ako nung ibalita niya na uuwe daw po dito yung asawa niya'" Nakangiti na sabi niya sa akin. Madaldal ang dalaga na ito, mukhang hindi ako mahihirapan na malaman dito ang lahat, Kailangan ko muna sigurong kunin ang loob niya' Bulong ko sa Sarili ko habang nakatingin sa kanya, Ng marinig ko ang Master na sinasabi niya' ibig sabihin siya yung may ari ng bahay na ito at siya ang nakabili sa akin, Dahil sa lalim ng pag iisip ko hindi ko namalayan na tinitignan na pala niya ang kabuuan ko, "Ate bakit ganyan ang itsura mo? ang ganda pa naman ng gown mo sira sira naman" Napatingin ako sa suot ko, naalala ko kung paano ko ito siraiin kanina dahil sa tindi ng Galit ko, "Tara ate maligo kana Kumpleto na ang laman ng banyo pati yung mga gamit mo nanduon sa malaking aparador" "At duon naman sa pintuan ay mga personal na gamit mo din" Napalingon ako sa itinuro niya' Nakita ko nga ang isang malaking aparador pero dalawa ito, Sa tabi nito may napakagandang glass door na lagusan papunta sa loob, Bakit parang pinaghandaan naman ang pagpunta ko dito' Kanina lang naman naganap ang ang bidding a' Tanong ko sa isip ko, Napansin siguro ni tessa ang iniisip ko, "Kanina lang po ipinabili ni Master ang lahat ng iyan" Nakangiti niyang sagot sa akin, Hinila na niya ako papasok ng banyo, Namangha na naman ako sa ganda nito, Parang nakakahiya gumamit ng banyo, Dahil pati ang loob nito ay salamin, "Ate maiwan na kita ha'aayusin ko lang ang susuotin mo nandiyan yung bathrobe" Turo niya sa akin sa isang na kulay puti na bathrobe na naka hanger, Nilibot ko ulit ang mata ko sa napakalaking banyo, Hindi ko ginamit ang bathtub nag shower lang ako, Habang naliligo ako iniisip ko kung ano itsura nung sinasabi niyang Master, Siguradong matanda na ito dahil ayon sa kwento ni lanie' mga milyonaryo na matatanda daw ang sumasali sa bidding na iyon, Nalungkot ako bigla nung maalala ko silang tatlo lalo na si karen, Naiyak ako lalo kay Karen alam ko sa mga oras na ito iyak ito ng iyak, Napakuyom ang palad ko gagawa ako ng paraan makawala sa sitwasyon na ito, Hahanapin ko silang tatlo pati si Madam Sona pagbabayarin ko siya, Bulong ko habang nagsusuot ng bathrobe, Napatingin ako sa salamin tinignan ko ang buong katawan ko, Tama sila maganda ako'maganda ang katawan ko, Kaya nga ako naging model dahil sa taglay na katangian ko, Kung heto ang ginamit ni madam sona para pakinabangan ako, Heto din ang gagamitin ko para mahanap ko sila karen, Pati siya hahanapin ko at pagbabayarin ko siya, Ang kailangan ko muna gawin ay alamin Kung sino ang Master na nakabili sa akin, Dahil sa kanya ako magsisimula, Magkikita din naman kami dahil tulad ng sinabi ni stella magiging asawa daw ako nung sinasabi niyang Master, Kailangan ko pang mag isip ng mabuti kung paano ako makakawala sa sitwasyon na ito, Nagising ako sa malalim na pag iisip nung may tumunog malapit sa glass wall na malapit sa pintuan ng banyo, Lumapit ako dito isa itong intercom pati ba naman sa banyo merun nito dito, Namamangha na tanong ko, nakita ko sa screen na si tessa ang nasa kabila pinidot ko ito para marinig ko siya, "Ate tapos ka naba?" tanong niya sa akin, "Oo palabas na ako" sagot ko sa kanya sabay bukas ng pinto na katabi lang ng intercom..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD