Habang kumakain kami napapansin ko na panay ang sulyap sa akin nang ngpakilala na Rex,
"May dumi ba ako sa mukha?"
Pagtataray na tanong ko sa kanya,
Umiling lang ito at ngumiti,
Dahil nasa tabi niya si tessa napansin ko na may ibinulong siya dito,
Nakita ko ang bahagyang pag ngiti ni tessa na napatingin sa akin,
Naiinis na ako sa kahambugan nang lalaki na ito Hindi porket gwapo siya ay lahat madadala niya sa ngiti.
Pagkatapos namin Kumain nag aya si tessa na magpunta sa sala para manuod.
Magkatabi kami sa mahabang upuan ni tessa habang nanunuod sa napalaking tv na nasa harapan namin.
Napansin ko ang biglang pag upo ni Rex sa kabilang upuan na nasa tabi ko.
Napatingin din ako sa paglapag niya ng isang brown envelope sa salamin na mesa sa harapan ko.
"Buksan mo"
Utos niya sa akin sa seryoso niya na mukha' kinuha ko ito at binuksan.
Hindi na ako nagulat sa nakita ko' dahil isa itong marriage contract.
Nang tignan ko ito para basahin napakunot noo ako dahil pagkaka-kilanlan ko lang ang nakalagay sa marriage contract na iyon' dahil blanko ang pagkaka-kilanlan nang lalaki na nakabili sa akin.
Tumingin ako sa kanya blanko ang ekspresyon nang mukha niya na nakatingin sa akin.
"Papipirmahan mo sa akin ito? na pagkaka-kilanlan ko lang ang nakalagay?"
Pagtataas nang kilay na tanong ko sa kanya.
"Pagkapirma po niyan duon lang iyan Lalagyan ni master ng para sa kanya at para na din pirmahan niya"
Sagot niya sa akin na hindi nagbabago ang ekspresyon nang kanyang mukha'
Dahil sa sinabi niya hindi na ako nagsalita pa' naalala kong bigla ang plano ko. kailangan ko pala na makuha ang loob ng master niya.
Pati na din silang lahat na nandito' at lalo na siya na ayon sa kuwento ni tessa ay kanang kamay ng master nila.
Kinuha ko ang brown envelope para kunin ang ballpen na nakita ko din sa loob nito'
Nilapag ko ang papel na hawak ko at pinirmahan ito' sabay abot kay rex na nakaupo pa din sa kabilang upuan na nasa gilid ko.
Kung kanina blanko ang mukha niya ngayon nakita ko ang kasiyahan sa mata niya.
Hindi ko na lang ito binigyan nang pansin dahil inisip ko na lang na baka iniisip niya na mahihirapan siyang papirmahin ako.
Isa iyon sa plano ko ang sumunod sa lahat ng gusto nila' dahil kailangan ko makapag isip at magplano kung paano ko mahahanap sila Cindy' lanie at karen.
"Gusto ba ninyo mag celebrate?"
Narinig ko na sabi niya sa masayang boses.
"Talaga kuya Rex? Sige"
Masayang sagot ni tessa na nasa tabi ko.
"Bakit naman tayo kailangan mag celebrate?"
Tanong ko naman.
"Ate kasi po mag asawa na kayo"
Sagot niya sa akin na kinagulat ko.
"Kami??"
"Opo ate si Master"
Sagot ulit niya sa akin' hindi ko alam kung bakit minsan nalilito ako sa sinasabi at sagot ni tessa.
"Kuya Rex paano po iyan wala po pla si Nanay"
Tanong niya kay rex na nasa tabi ko pa din' dahil kanina narinig ko ito na nagpaalam kay rex na dadalawin ang anak at bukas na makakabalik.
"Ok lang iyon tessa padating na yung mga pinadeliver ko"
Nakangiti na sagot niya kay tessa na sinabayan pa niya nang kindat.
"Idol talaga kita kuya Rex ang bilis mo talaga"
Masayang sagot niya dito' nasa ganoon silang sitwasyon nang may pumasok na dalawang lalaki na may mga dalang plastick bag na may laman at ilang food box na hula ko ay mga order niya.
Sinenyasan sila ni Rex na ilapag na lang ang lahat sa mesa' nang mailapag na ang lahat sa lamesa inayos na ito ni tessa at rex na tumulong na din ako.
Habang ginagawa namin iyon' nagpaalam si Rex na kukuha lang ng maliit na cooler na may yelo para mailagay ang mga Can beer na kasama sa mga inorder niiya.
Pagkatapos namin maiayos ang lahat sa mesa' nagulat ako kay tessa na biglang nagbukas nang isang can beer.
"tessa ilang taon ka naba? kaya mo naba uminom niyan?"
Pag aalala ko na tanong ko sa kanya,
"Mag 18 na ako ate' wag ka mag alala hindi naman ako iinom nang marami"
Nakangiti niya na sagot sa akin' na siya naman balik ni rex' na may dala nang maliit na cooler na may yelo.
Kinuha niya ang ibang can beer at napatingin din siya kay tessa.
"Tessa konti lang ha"
Sabi niya dito.
"Opo kuya"
Sagot naman ni tessa' bumalik sa upuan niya si Rex na nasa tabi ko.
Nakita ko na kinuha niya ang dalawang Can beer at binuksan ito' sabay abot sa akin nang isa.
"Thank you"
Tipid kong sabi sa kanya.
"Kuya Rex hindi ba tayo kakanta?"
Tanong ni tessa kay rex.
"Ikaw gusto mo ba?"
Tanong din naman ni rex.
"Opo kuya basta kakanta ka din!"
Pero hindi siya sinagot ni rex' dahil tumayo na ito para ayusin ang component na nasa tabi lang din ng malaking tv.
"Ate diba kumakanta ka?"
"Ha??"
Nagulat ako sa Tanong niya' paano niya nalaman na kumakanta ako?
Dahil bukod sa trabaho ko na pagiging isang simpleng model' raket ko din ang pagkanta sa mga okasyon tulad ng kasal.
Sa mga importanteng okasyon lang ako tumatanggap ng ganoon na raket dahil mas malaki ang kinikita ko.
Meron na din nag aalok sa akin na kumanta sa mga Kilala na bar pero tinatanggihan ko dahil naka focus ako sa pagmomodelo ko.
"Paano mo nalaman?"
Pagtataka na tanong ko sa kanya' nakita ko ang bahagya niya na sulyap kay rex na nakatalikod sa amin dahil may kinukuha ito sa ilalim ng salamin na estante.
"A e ate mali po pagkakatanong ko' tatanong ko po kung kakanta ka?"
Nakangiti niya na Tanong sa akin' hindi rin nakaligtas sa mata at tenga ko ang paglobo nang kanyang pinsgi at malalim na buntong hininga.
Pagkabalik ni rex dala na niya ang mic at ang maliit na songbook' bumalik siya sa pagkakaupo sa tabi ko.
"Sige na tessa umpisahan muna"
Nakangiti na sabi niya. napatingin ako kay rex' hindi ko alam kung bakit parang may naalala ako..