MAS pinili ni Cady na tumira sa bahay niya sa farm land sa Laguna kaysa sa bahay ni Rue na naroon lang din sa Calamba Laguna. Hindi pa siya handang tumira sa bahay nito. Ipinagyabang pa nito na mayroon itong private resort sa mismong property nito kung saan nakatirik ang dalawang palapag nitong bahay. Pumayag naman ito sa kagustuhan niya pero hiningi nito ang every weekend stay niya sa bahay nito. Hindi rin niya ito pinipilit mag-stay sa bahay niya bagay na iginigiit nito na mas gusto nito maglagi sa bahay nito.
Naka-base ang opisina niya sa Calamba Laguna kung saan malapit lang sa opisina at manufacturing company na pag-aari na ni Rue. Tatlong araw na siyang busy matapos ang tatlong araw nilang honeymoon sa Tagaytay. Ilang ulit na rin niyang pinalagpas ang dinner invitation ni Lola Marcela.
Sa loob ng tatlong gabi ay hindi umuwi sa bahay niya si Rue. Hindi na niya inalam ang dahilan nito. Wala siyang balak pilitin ito. Gusto niya maging smooth ang pagsasama nila at gusto niya ay manatili pa rin ang privacy niya. Wala rin siyang balak na pakialaman ang privacy ni Rue. Puwera na lang kung nasasagasaan na ang kasal na siyang nagtatali sa kanilang dalawa.
Dahil sa tambak na paperwork ay nakaligtaan ni Cady ang oras ng tanghalian. Isang minuto na lang ay ala-una na ng hapon. Nagulat siya nang biglang bumukas ang pinto na walang kumatok. Nag-init ang bunbunan niya nang makita si Rue na deretso ang pasok bitbit ang paper bag.
“Can you please knock on the door before entering my office?” iritableng sabi niya. Gusom na siya, pagod at stress ‘tapos makikisabay pa ang kanyang asawa.
Nagtataka siya bakit bumalik sa labas si Rue. Maya-maya ay tumunog ang door bell.
“Huh! Baliw na lalaki. Come in!” pasigaw na sabi niya.
Pumasok naman si Rue. “Hi, honey! It’s lunch time,” nakangiting sabi nito.
Ngali-ngali niya itong batuhin ng name plate niya. Deretso itong lumapit sa kanya at walang anu-ano’y siniil ng halik ang kanyang bibig. Nagulat siya. Mabilis niya itong iniwasan. She knew that Rue was not serious to manage their married life but she couldn’t ignore his effort. She does not care about it.
Inihanda na ni Rue ang dala nitong pagkain sa mini dining set na karugtong ng kanyang opisina. Mayroon din siyang bed room at bathroom maging living room dahil minsan ay doon na siya inaabot ng antok. Minsan tinatamad na siyang bumiyahe pauwi kaya doon na siya natutulog.
“Come on, honey. Let’s eat first. Late na ang lunch natin,” sabi ni Rue.
Walang imik na tumayo siya at sinamahan si Rue. Pinaghila pa siya nito ng silya. Pagkuwan ay umupo ito sa katapat niyang silya.
“Hindi ako nakapagluto kaya nag-order na lang ako sa restaurant,” sabi nito.
Napansin niya na puro gulay ang nakahain. Wala man lang siya nakitang karne. Mayroong seafood curry pero naghahanap pa rin siya ng karne ng manok o baka man lang. Kaunting kanin lang ang kinuha niya at seafood curry. Halos lahat ng gulay na nakikita niya ay ayaw niya lalo na ang spinach at asparagus.
“Ang tipid mo namang kumain. Hindi mo ba gusto ang ulam?” tanong ni Rue.
“Hindi ko lang gusto ang ibang gulay,” turan niya saka sumubo. “Next time huwag ka nang magdala ng pagkain dito. Magpapaluto na lang ako sa cook namin. At huwag mo na rin akong hintayin o sabayan sa tanghalian dahil madalas talaga late na akong kumakain,” aniya.
“That’s not a good idea, honey. Kasal ka na kaya dapat mong baguhin ang life style mo. Kung tutuusin pareho tayong busy. Hindi excuse ang trabaho. We’re both managing our own company so we don’t need to work twenty-four hours, seven days a week.”
“Alam ko. Hindi madaling mag-adjust sa ganitong sitwasyon. Mahirap malagay sa lugar ko,” aniya.
“Akala mo ba ikaw lang ang nahihirapan?”
Matiim na tumitig siya kay Rue. Seryoso itong nakatitig sa kanya. Nakaramdam siya ng munting guilt. Kung tutuusin kasi ay mas mahirap ang sitwasyon ni Rue. Wala itong choice dahil mas kailangan ng kumpanya nito ng masasandalan para manatiling natakayo. Samantalang siya ay mabubuhay ang business niya kahit walang kinakapitang ibang kumpanya.
“Naaawa ako kay Lola Marcela kaya tinanggap ko ang proposal niya. Matagal na kaming magkakilala since nagsimula akong magtrabaho sa kumpanya namin. I know what she does for your company. Siya ang nagtayong parents ninyo at mag-isa niyang itinaguyod ang negosyong naiwan ng daddy n’yo. Aside from Lola Marcela, I just think that your company fits my company’s partnership standard. In business industry, the small company needs to spread their stocks through the giant companies to help them grow. At ang malalaking kumpanya ay kinakain ang maliliit na kumpanya para mas lumago ito. Kung hindi ka marunong makipaglaro at makisabay sa nagsusulputang kumpanya, babagsak ka na parang ibong naputulan ng pakpak,” litanya niya.
Biglang tumahimik si Rue. Napansin ni Cady ang walang tigil na pagsubo ni Rue ng pagkain. Kinuha niya ang dala nitong bote ng mineral water saka binuksan at iniabot dito.
“Dahan-dahan baka mabulunan ka,” sabi niya.
Sinipat siya ni Rue. Kinuha nito ang bote ng tubig saka ito nagpatuloy sa pagsubo. Itinuloy na lamang niya ang pagkain.
“Sa bahay mo ako matutulog mamaya,” sabi ni Rue pagkatapos nitong kumain.
Mabilis itong kumain at nauna pang natapos kaysa kanya na kakarampot ang kinakain.
“Magdala ka ng gamit mo. Pakibalik din ang underwear ko na tinago mo noong honeymoon,” sabi niya pagkuwan.
Ngumisi si Rue. “Damit na lang siguro ang dadalhin ko. Hindi ba ginamit mo ang brief ko? Dalawa ‘yong kinuha mo. At bakit ko naman ibabalik ang underwear mo? Uuwi ka rin naman sa bahay ko ‘di ba?” anito.
Hindi niya napigil ang pagtikwas ng isang kilay niya. “I have my own rules in my house,” sabi niya.
“Anong rules?” tanong nito.
“Hindi puwede ang maingay at makalat sa bahay ko. Ayaw ko rin na pinapakialaman ang personal kong gamit. At hindi ako puwedeng abalahin kapag natutulog.”
“So, ayaw mo akong katabi sa kama?” nakatikwas ang isang kilay na gagad nito.
“Puwede kang tumabi pero kailangan may distance.”
Tumawa nang pagak si Rue. “Kakaiba ka. Well, I have my own rules too. Remember, pumayag ka na mag-stay every Saturday and Sunday sa bahay ko. Katulad ng palagi kong sinasabi sa ‘yo, hindi ka allow magsuot ng underwear, hindi lang sa loob ng kuwarto kundi sa buong bahay ko,” ganti nito.
“That’s a crazy idea!” protesta niya.
“Rules are rules, honey. Let’s have a deal para mas pormal. I will respect your own rules and you have to respect mine, too. In addition, kapag nasa bahay kita, required mong matutong magluto para pagsilbihan ako. Tuturuan naman kita. At sa loob ng dalawang araw na pag-stay mo sa bahay ko, kailangan mong ibigay lahat ng need ko bilang asawa mo, you know what I mean. Hindi ka puwedeng tumanggi sa lahat ng gusto ko, unless kung may sakit ka or may dalaw. The rules are also effective in our offices. At kapag pareho tayong nasa labas ng teritoryo natin, we’re free of those rules but we can’t ignore the unexpected moments. Is it clear to you, honey?”
Pakiramdam ni Cady ay isinasalang siya sa apoy na nakatutupok. Urat na urat siya sa rules ni Rue. Nagsisi tuloy siya bakit pa niya sinimulang buksan ang paksa tungkol sa rules.
“You’re so unfair. Napakasimple lang ng rules ko. Bakit ang harsh naman ng sa ‘yo?” reklamo niya.
“Hindi kaya ikaw ang harsh? Ang rules mo ay labag sa sinumpaan natin noong ikinasal tayo. Paano kung nasa need ako at doon ako inabot sa bahay mo? Matitiis mo bang makita akong naninigas sa tabi mo?” pilyong sabi nito.
May kung anong bumara sa lalamunan ni Cady. Hindi niya alam kung paano sagutin nang matino ang tanong ni Rue. Sa huli ay inis ang umalipin sa kanya. Marahas siyang tumayo.
“You still have a choice. You’re free outside our territory so you don’t have to stay inside the boring room,” sabi lang niya.
“Okay, I got your point,” anito saka ito tumayo at iniligpit ang pinagkainan nila.
Iniwan na niya ito at pumasok siya sa banyo. Nagsipilyo siya at nag-freshen-up
Paglabas ni Cady ng banyo ay namataan niya si Rue na nakahilata sa sofa sa mini living room niya at nanonood ng telebisyon. Nakataas pa ang mga paa nito na hindi man lang nagtanggal ng sapatos. Uminit ang bunbunan niya.
“Office hour na. Wala ka bang balak bumalik sa opisina mo? Hindi puwede ang tambay rito,” sita niya rito.
“Boring sa office. Napirmahan ko naman lahat ng dapat pirmahan. Isa pa, I’m the boss, kaya gagawin ko ang gusto ko,” sagot nito.
Lalo siyang nainis. “Paano aangat ang business mo kung ganyan ka na parang easy-go-lucky?” aniya.
Hindi na siya nito sinagot. Car racing ang pinapanood nito. Naalala niya. Naikuwento sa kanya ni Lola Marcela na sumasali sa car racing sa California ang apo nitong si Ruki na kakamal ni Rue. Baka isa sa kapatid ni Rue ang participant sa laro na pinapanood nito. Binanggit din ni Lola Marcela na ipinagpalit ni Ruki ang responsibilidad nito sa kumpanya sa passion nito. Ramdam niya ang malaking tampo ng matanda sa isa nitong apo.
Umupo siya sa katapat ni Rue na sofa. “How’s your brother, Rue?” pagkuwan ay tanong niya sa kanyang asawa.
Awtomatikong nabaling sa kanya ang atensiyon ni Rue. Naging uneasy ito.
“Uh… he’s fine,” tipid nitong sagot.
“Hindi ko pa siya nakita nang personal. Ang sabi ni Lola Marcela, seven years na raw hindi umuuwi rito si Ruki.”
“We’re identical twins, kapag nakatingin ka sa akin, para mo na rin siyang nakikita. Halos pareho rin kami ng boses, taas at katawan,” tugon nito.
“Pero sabi ni Lola, napakalayo ng ugali ninyo.”
“Of course, no one is alike. May kanya-kanya tayong DNA na kahit identical twins ay may kaibahan.”
“I hate Ruki, the way how Lola Marcela described his personality,” prangkang sabi niya.
“You’re such a judgmental, honey. Hindi mo siya puwedeng husgahan gayong hindi mo pa siya nakikilala nang personal,” depensa nito at pinagtanggol ang kakambal.
“You can’t blame me. To be honest, I hate you too. I hate your guts,” walang gatol na sabi niya.
Matiim na tumitig sa kanya si Rue. “Do you think I like you? Huh! You’re such a boring woman,” prangkang buwelta nito.
Nag-init ang bunbunan niya. Marahas siyang tumayo. “Boring, huh? File an annulment and don’t bother me anymore!” inis na sabi niya sabay bira ng talikod.
“Hey! Ang bilis mo namang mapikon,” anito.
Hinabol siya nito hanggang sa office table niya. Lumuklok siya sa kanyang swivel chair at nagtitipa sa kanyang laptop. Akmang hahawakan siya ni Rue sa balikat ngunit pinalo niya ng ruler ang kamay nito.
“Aw! Napakasadista mo naman!” angal nito.
“Bumalik ka na sa opisina mo at magtrabaho ka!” asik niya.
“Fine.” Tinalikuran siya nito. Nakarating na ito sa pinto nang huminto ito at humarap sa kanya. “Dadaan ako rito mamaya para sabay tayong uuwi. Hindi ko alam papunta sa bahay mo eh,” anito.
Kunot-noong tiningnan niya ito. Paanong hindi nito alam, eh nakapunta na ito roon noong namasyal ito kasama si Lola Marcela?
“Ano’ng hindi mo alam? Nakarating ka na roon isang beses,” aniya.
“Uh, n-nakalimutan ko, eh,” sagot nito.
Bumuntong-hininga siya. Iniisip niya baka nagkukunwari lang ito para makasabay siya.
“Sige na. Kailangan before five o’clock narito ka na. Kung ang service mo ay ang sports car mo, mas mabuting kotse ko na lang ang gamitin natin. At ayaw ko ng kaskaserong driver,” litanya niya.
“Sino ba ang nagsabing driver mo ako?” sarkastikong gagad nito, nakataas ang isang kilay. “Ah, basta, sabay tayong uuwi, hm? Bye honey?” anito saka tuluyang lumabas.
May ilang sandaling tulala si Cady. Sa buong buhay niya, noon lang siya nakatagpo ng lalaking katulad ni Rue na inuungkat ang hindi pamilyar niyang emosyon. Nagpakaabala na lamang siya sa kanyang trabaho.
May pagkakataon na nakatutuwa si Rue, pero madalas ay nakakainis at nakagugulat ang pabigla-biglang ugali na natutuklasan niya rito. Alam niya marami pa siyang matutuklasan sa pagkatao nito kaya ayaw muna niya itong husgahan. Masuwerte pa rin siya dahil kahit papano ay marunong umunawa at makisama si Rue.
Mali ang naunang naisip niya tungkol sa kahihinatnan ng pagpapakasal niya kay Rue. Iniisip niya noon na boring ang married life niya dahil bukod sa pareho silang business minded ni Rue, pareho pa silang conservative at seryoso sa buhay. Pero tila nag-iba ang ihip ng hangin. Biglang lumitaw ang tunay na katangian ni Rue.
Maling-mali ang mga unang impresyon niya rito. Inaamin niya’ng nasorpresa siya. Iniisip talaga niya na baka mamamatay siyang virgin. Pero hindi niya maintindihan bakit minsan ay may pagkakataong nagdududa siya kay Rue. She felt something wrong with him, seemed she had encountered a different person.
Ipinilig niya ang kanyang ulo upang linisin ang mga maling ideya sa kanyang utak.