"BREE?" mahinang usal ni Alfred. Ipinikit niya ang mga mata, ipinilig ang ulo. Hindi makapaniwalang narinig niya ang boses ng namayapang kapatid na si Brianna. Alfred! "No..." Alfred shakes his head. Look at me. I'm here Alfy...up here. Help me please... tila nanghihinang tinig ni Brianna. Umangat ang nakayukong ulo ni Alfred. Iginala ang paligid. Usok. Nagniningas na apoy. Mga bilanggong nakatali sa isa't isa habang nakaluhod. Mga bangkay na naliligo sa mga sariling dugo. Mga armadong kasamahan niya ang nagkalat sa paligid ang nakikita niya. Tumaas pang lalo ang pagmamasid niya sa paligid...doon sa puno...kung saan nakasabit sa puno ang Marilag. Nakatingin kay Alfred ang lobo...ang mga mata nitong kulay kape. Kumabog ang kanyang dibdib nang magtama ang kanilang mga mata, sapagkat ang