Adelina's Point of View Ramdam naming lahat ang galit ni Amadeo. Kanina pa tahimik sa mansyon, pero kay bigat ng hangin. Pakiramdam ko'y mauubusan ako ng hangin. Hindi lang si Amadeo ang galit, kundi lahat ng mga tauhan niya. Ang iba nga'y handa nang sugurin si Maximo, pero pinigilan sila ni Amadeo. "Boss, ano nang gagawin natin?" pagbasag ni Pablo sa katahimikan. Pinagmasdan ko si Amadeo. Blangko man ang kanyang ekspresyon pero nakikita ko sa kanyang mga mata ang galit na pilit niyang ponipigilan. Hindi ko mapigilang maawa sa kanya. Hindi pa siya tapos sa pagluluksa sa pagkamatay ng ama niya, pero heto na naman ang panibagong problema. "I'll go and pay Maximo a visit," kalmadong sabi niya. Huminga siya nang malalim saka tumayo. "Kailangan ko siyang makausap." "Sasama kami, boss,"

