Adelina's Point of View Malugod kong tinanggap ang bawat halik ni Amadeo. Tinugunan ko ang bawat hagod ng labi niya, ang paghigop at pagkagat niya sa aking labi, ang pagsipsip niya sa aking dila—lahat; tinanggap at ibinalik ko. Hinayaan ko siyang higupin ang hangin at lakas sa aking katawan. Hinayaan ko ang sarili kong maging mahina at tumugon sa tawag ng aming laman. Halos masabunutan ko siya nang laliman niya nang husto ang aming halikan. Halos lamunin niya ang aking labi. Nakakalunod. Nakakadala. Sa labis na sarap ay hindi ko namalayang tuluyan na pala kiya akong naihiga sa kanyang kama. Doon ko lang ito napagtanto nang tuluyan siyang umibabaw sa akin. Saglit na naputol ang aming halikan. Nagkatitigan kaming dalawa; kapwa nakaawang ang namumulang mga labi at naghahabol ng hangin. P

