Adelina’s Point of View Napatitig na lang ako kay Sir Amadeo. Hindi ko magawang makapagsalita dahil sa lakas ng kabog ng dibdib ko. Napakasensitibo ko sa haplos niya. Maging sa mga titig niya ay parang matutunaw ako. Ibang-iba na ang dating niya sa akin. Ibang-iba na ang sensasyong hatid niya, at ito’y marahil sa pagbabagong nararamdaman ko; sa pag-iiba ng pagtingin ko sa kanya. Pinagmasdan ko siyang alisin ang aking damit at hilain ang aking shorts. Itinira niya na lang ang aking panty’t bra. “You’re gorgeous, Adelina,” komento niya sa akin bago niya matamang tinitigan ang aking katawan mula ulo hanggang paa. May kung anong kiliting dala ang sinabi niya, pero pilit ko ‘yong binalewala. “Despite you, being a maid, you’re able to keep your skin as smooth and beautiful as this,” aniya at

