Adelina’s Point of View
Pumapalakpak ang aking kipipay habang pinagmamasdan ko ang gwapong mukha ni Sir Amadeo. Putànginang mukhang ‘yan, parang titig pa lang lalabasan ka na. Naglalaway na ang aking makipot at meshekep na pukemon.
Ito na ba ang sinasabi sa akin ni inay na libòg at pers sayt? Ay, love pala ‘yon.
Sigurado akong siya na ang lalaking karapat-dapat sa ganda ko. Ang natatanging makakapantay sa pamatay na ganda kong taglay!
“Are you listening, woman?”
Napakurap-kurap ako nang marinig ko ang malalim na boses ni Sir Amadeo. Doon ko lang din napansin ang basang pakiramdam sa may gilid ng labi ko, at nang kapain ko ay nanlaki na lang ang mga mata ko nang mapag-alamang naglalaway na pala ako. Shet.
“H-Hindi po, sir. Hindi ako listening,” sagot ko sa kanya ag pinasadahan siya ng tingin. Doon ko lang napansin na itim na roba lang pala ang kanyang suot at sumisilip sa ang matikas niyang dibdib pati na ang namumutok niyang abs.
Palaman, please!
“Ano po palang sinasabi n’yo? Hindi po kasi ako makapag-focus kasi ang sherep—ay este, medyo napagod po ako sa biyahe,” tugon ko at mayuminv ngumiti. Kung may pamaypay lang ako ay itinakip ko na sa aking mukha para ganap na ganap ako bilang isang dalagang pilipina. Kailangan kong umaktong isang mahinhin at meshekep.
“I said, anong ginawa mo at bakit ka itinapon dito sa mansyon ko?” matigas nitong tanong. Naniningkit ang mga mata nito habang tinitingnan ako.
Ene be, metetenew eke.
“Ay, hindi po ako itinapon. Maayos po akong inihatid dito sakay ng isang kotse,” sagot ko sa kanya at muling ngumiti. Tiningnan ko si Pablo, “‘Di ba?”
“O-Oh, yes,” alanganing tugon nito.
Marahas na bumuga ng hangin si Sir Amadeo saka nito nasapo ang noo. “Sa sagot mo pa lang, mukhang alam ko na bakit pa pinalayas,” dismayadong saad nito saka tiningnan ang katabi ko, “Pablo, take her away at baka mapatay ko ‘yan nang wala sa oras,” malalim nitong sambit.
Magsasalita pa sana ako pero mabilis na tinakpan ni Pablo ang bibig ko at hinila ako palabas ng kwarto. Sa pagsara niya ng pinto ay doon niya lang ako binitawan.
“What were you thinking?” aniya. Maging siya ay kumunot na rin ang noo habang nakatingin sa akin. “Bakit gano’n ka sumagot? Do you have a death wish?”
Ako naman ngayon ang kumunot ang noo. Naguguluhan ko siyang tinitigan. Hindi ko kasi maintindihan kung bakit gano’n na lang siya kung mag-react. “Siyempre, ‘yon ang tanong sa akin, kaya sinagot ko lang,” seryosong sabi ko. “Ano bang mali ro’n? Totoo naman talagang inihatid ako rito at hindi itinapon.”
Nasapo niya ang kanyang noo at mahinang nagmura. “Seryoso ka ba?”
“Mukha ba akong nagju-juk?”
“Ju-juk?” kunot-noong tanong niya.
“Nagbibiro. Ano ba ‘yan, simpleng ingles ‘di makaintindi!” angal ko at dismayadong napailing sa kanya. Kanina lang ay ang lakas nitong mag-ingles. Daig pa ang chicharon sa lutong ng ingles, eh.
“Oh, God…” Napailing na lang ito. “Halika na nga, baka kung ano pang magawa ko sa ‘yo!”
Hinila na niya ako pababa. Wala naman akong nagawa kundi ang magpatangay sa kanya hanggang sa makarating kami sa sinasabi niyang maid’s quarter. Agad siyang kumatok dito. Kay lakas ng pagkatok niya at kulang na lang ay sirain niya ang pinto.
Kung sinipa na lang sana niya, eh ‘di tapos.
Maya-maya pa’y may lumabas na matandang babae. Halos nakayuko na ito. Mukhang hindi na nito kayang tumayo nang tuwid. Puti na ang bawat hibla ng buhok at kulubot na ang balat. Parang isang hatsing na lang ay diretso na ito sa purgatoryo.
“This is Manang Pasita. She’s the headservant of the household,” pagpapakilala ni Pablo sa matanda. “Manang, this is Adelina. Siya ang bagong katulong sa mansyon. Ikaw na ang bahala sa kanya, ha? May mga gagawin pa ako,” dire-diretsong sabi nito saka mabilis na umalis nang hindi man lang ako pinagsasalita.
“Adelina,” tawag ng matanda sa akin. Garalgal na ang boses niya at halos hindi ko na marinig dahil sa hina. “Halika, pumasok ka.”
Tumango lang ako at sumunod sa kanya. Pagkapasok ko ay bumungad sa akin ang malawak na silid. May dalawang dobol díck na kama ngunit isa lang ang mukhang ginagamit.
“Manang, tayong dalawa lang ba ang kasambahay rito?” tanong ko at inilapag ang bag ko sa isang kama.
Tumango ito. “Tatlo sana tayo, hija, pero biglang umalis ang isa at ‘di na bumalik pa.”
“Ha? Bakit po?”
“Aba’y kung alam ko lang e ‘di sana sinabi ko na sa ‘yo,” pilosopong sagot nito. “Anong gusto mo, pabalikin natin at nang matanong?”
Umawang ang bibig ko. Aba naman talaga. ‘Pag ito tinadyakan ko durog ang mga buto nito! Kokonti na nga lang ang panahon sa mundo pinili pang maging pilosopo.
Sasagutin ko na sana siya pero naalala ko ang sinabi sa akin ni Tandang Florencia na hindi raw ako tatagal nang isang linggo rito. P’wes, papalipasin ko muna ang isang linggo bago ko sagutin ‘tong matandang ‘to.
Hindi ko na lang siya sinagot at inayos ko na lang ang mga gamit ko at ipinasok sa kabinet na para sa akin. Pagkatapos ay sinabayan ako ni Manang Pasita na kusina para makapaghapunan ako.
At habang kumakain ako ay nahagip ng mga mata ko si Sir Amadeo kasama si Pablo. Nakabuntot sa kanya ang iilang mga kalalakihan na nakasuot ng itim na amerikana.
May lamay ba?
“Saan ang punta nila, Manang?” tanong ko sa matanda na kasalukuyang nagpupunas ng lababo.
“Kung hindi ka busy, tanungin mo,” pilosopong sagot nito.
Napapikit na lang ako saka huminga nang malalim. Isang hampas ko lang ng kutsara sa batok nito paniguradong magkikita sila ni kamatayan. Pero kailangan kong kumalma. Sabi ni inay dapat irespeto ang mga nakakatanda. Sige na lang.
“Magtatrabaho sila,” sabi nito nang hindi na ako nagtanong. Parang tanga lang din. “At kung ano ang trabaho nila ay wala ako sa posisyon para magsabi. Basta kapag naging katulong ka rito, lahat ng makikita mo ay dapat ilihim mo at ‘wag na ‘wag ipagsasabi kahit na sino.”
Kita mo ‘to, hindi na ako nagtanong pero bigla-bigla na lang nagsasalita.
“Okay po,” sagot ko na lang at itinuloy ang pagkain dahil gutom na gutom na talaga ako.
“Nag-chat sa akin si Pablo at sinabing hindi mo pa alam ang house rules,” aniya saka ako hinarap. May hawak siyang cellphone na may logo na mansanas na may kagat. Taray, sosyal. Ako nga ay de-keypad lang, eh.
“Sinabi niya rin na ikaw raw ang naatasang maglinis sa silid ni Sir Amadeo,” dagdag niya saka kinalikot ang cellphone niya. “Rule No. 1: Kung anong nakita mo rito sa loob ng mansyon ay mananatili sa loob ng mansyon. Rule No. 2: Sa oras na makapasok ka rito, ay hindi ka na makakalabas. ‘Yon lang.”
Hindi ko naintindihan ang mga sinabi niya, kaya hindi ko na lang din pinansin. House rules lang naman ‘yon. At isa pa, maglilinis lang din naman ako rito ba’t ko pa aalamin.
“Sa guidelines naman ng paglilinis sa kwarto ni Sir Amadeo, ite-text ko na lang sa ‘yo dahil magvi-video call pa kami ng darling ko,” aniya sabay lagay ng iilang hibla ng puti niyang buhok sa likod ng tainga niya saka sumilay ang malanding ngisi sa kanyang mga labi. Pero, impernes, ha; kompleto ang ngipin ni Manang.
At ano raw, vijokol sa darling niya? Aba’y may asim pa pala ‘tong si Manang Pasita at nakabingwit pa! Ibang klase siguro ang asim nito—hindi lang mala-suka, kundi sinamakan!
Nauna na siyang umalis sa akin. At nang matapos akong kumain ay sumunod na rin ako dahil gusto ko nang matulog. Naghugas muna ako ng katawan saka ako nagbihis ng pantulog at umakyat na sa ibabaw na kama. Hindi na ako napansin ni Manang Pasita dahil abala na ito sa kausap niya sa cellphone niya. Hindi ko na nasilip dahil nakatalukbong siya ng kumot.
Napabuga na lang ako ng hangin saka nahiga at napatitig sa kisame at sinariwa ang gwapong mukha at masarap na katawan ni Sir Amadeo. Grabe, siya na talaga ang itinakda sa akin. Pakiramdam ko’y siya ang pinadala ng langit para masungkit ang aking meshekep na kipipay.
Sabik akong natulog dahil baka makita ko siya sa aking panaginip.
Pero sa kalagitnaan nang gabi ay marahas na bumukas ang aking mga mata nang makaramdam ako ng pagyaning.
‘O-Oh...Ah...Oh, Badong my darling...”
Namilog ang mga mata ko nang makarinig ako ng ungol. Kaming dalawa lang ni Manang Pasita sa kwarto kaya siya agad ang naisip ko. Kaya naman ay pasimple akong sumilip sa ibabang kama at napasigaw na lang ako sa labis na gulat nang makita ko kung ano ang nangyayari.
Si Manang Pasita...
Nagfi-fingér!