CHAPTER 7 NAKANGISI pa si Larrah nang pumasok sila sa istasyon ng pulis at nakita kaagad niya si Ghuix na nakatayo sa may ‘di kalayuan ng pinaghintuan nilang mesa, sa loob ng istasyon. Kabuntot niya ang mga may-ari at driver ng mga sasakyan na nagkabanggaan pero wala syang pakialam sa bangayan ng mga iyon. She's happy and she doesn't mind paying them kahit pa mapagalitan sya ng Mommy niya, at least nandito na si Inspector. Ayyy! Kinikilig ako! Nakagat niya ang sariling labi sa sobrang saya. Si Eloisa ay kabuntot din niya at parang mas maiihi pa sa nerbyos kaysa sa kanya, habang siya ay cool pa rin at nagagawa pa ngang bumungisngis. Sino bang hindi masisiyahan kung ipinakuha ako ni flying Ghuix sa kabilang istasyon? Kulang na lang ay pumasag-pasag siya sa kilig pero naagaw ang atensy