Chapter 30 Nathalia was so delighted when somebody told her that she’s the new owner of Little Angels Cancer Patients and Survivors Hospital. Gulat na gulat siyang nakaupo sa silya at hindi siya makakilos dahil doon. Ilang araw na ang lumipas simula nang malita niya sa TV ang pagwawala ni Don Ignacio dahil sa eskandalong pasabog ni Nexus sa meeting de avance ng matanda. Kasabay noon ang pagkalagay sa pangalan niya ng ilang malalaking shares ng mga negosyo no’n. Ewan niya kung paano iyon ginawa ni Nexus sa loob ng ilang araw. Nang tanungin naman niya ang asawa, ang sagot lang ay wag na siyang mag-alala dahil mababawi naman ang gastos kapag nakuha na niya ang parte sa operasyon ng mga negosyong iyon. Pero anong pinaka mas gusto niya sa lahat ng nakapangalan sa kanya? Ang ospital na iyon