Chapter 37 Napahawak si Nathalia sa braso ni Nexus nang masalubong niya ang titig ni Don Ignacio San Andres. Nakaupo na siya sa silya ng CEO at katabi niya ang asawa na kaharap ang members ng board. Nakatitig iyon sa kanya nang buong-buo at nahihintakutan siya dahil parang papatayin siya no’n sa tingin. Nexus suddenly twisted his head then looked at her. “Are you okay?” pabulong na tanong nito sa kanya at hinalikan pa siya sa noo. Para siyang bata na tumago sa likod ng braso ng asawa at idinikit pa ang kabilang parte ng mukha niya roon. “Kasi natatakot ako.” aniya rito at halos hindi pa niya maibuka ang bibig. Alam niyang may alam si Don Ignacio sa nangyaring pagsasabotahe ni Nexus sa miting de avance ng matandang trying hard na maging Vice President ng Pilipinas, pero dahil sa laki n