Chapter 40 Matapos na mai-lock ni Nathalia ang pintuan ay kinalma na muna niya ang sarili bago niya binalikan ang laptop. She continued playing the video when she as she sat on the chair. “Ang Mommy mo ay si Thalia Zobel San Andres. Alam mo ba kung paano ka sa akin napunta? Dahil kay Don Ignacio. Ipinakuha ka niya sa akin dahil ang akala niya, kapag pinalitan ko ng batang patay ang ang anak ni Señorito Juancho ay ipamamana sa kanya lahat ng ari-arian ng kapatid niya, pero hindi. Itinago kita at inalagaan. Ang utos niya sa akin ay itapon kita pero hindi ko nagawa anak. Ang liit-liit mo at ang ganda-ganda para itapon lang. Tahimik ka at tulog lang. Paano kita sasaktan at hayaan na mamatay? Kaya iniuwi kita sa probinsya. Parehas silang magkapatid na tuso at mamamatay tao. Alam ko mamamatay